Abante Tonite Interactive

Ano ba ang tropical cyclone warning signal?

By
0 219

Ano nga ba ang nara­ranasan natin kapag may ibinababang cyclone warning signal at gaano kalakas ang bagyo sa bawat cyclone warning.

Ang cyclone warning signal ay ipinalalabas ng Pagasa upang ipaalam sa publiko ang epekto ng dalang hangin ng isang bagyo.

Kapag Signal No. 1 ay nasa 30 hanggang 60kph na lakas ng hangin ang mararanasan sa loob ng 36 oras matapos isailalim ang isang lugar sa war­ning signal, sa ganitong lakas ng hangin ay kaya nitong magkaroon ng taas ng alon na aabot sa 1.25 hanggang 4 na metro. Maari din makapinsala ng tanim at mga istraktura na gawa sa light materials.

Abante Hiring – IT dep

Kung nasa ilalim naman ng Signal No. 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na nasa 61 kph-120kph sa loob ng 24 oras.

Sa ganitong lakas ng hangin ay maaa­ring makapagbagsak na ng puno gaya ng mangga,­ may taas na alon na 4.1 hanggang 14 metro, maaaring makasira ng bubong na gawa ng galvanized iron at makapagbagsak ng mga poste na gawa sa kahoy.

Kung ideklara ang Signal No. 3 ay may lakas ito ng hangin na 121-170kph sa loob ng 18 oras. Ang alon sa karagatan ay hindi bababa sa 14 metro, kaya posible ang storm surge, kaya nitong makapagbagsak ng mga billboard at signages lalo ang hindi matibay ang pagkaka­gawa at makapagpatumba ng mga puno ng niyog.

Nasa 171kph hanggang 220kph naman ang lakas ng hangin kapag nasa ilalim ng Signal No. 4 ang isang lugar na mara­ranasan sa loob ng susunod na 12 oras.

Sa ganitong lakas ay matindi na ang pinsala sa mga tanim, posible din ang pagguho ng mga pader, makasira ng mga pinto at bintana sa mga kabahayan, mara­ming istraktura ang maaaring masira at kayang liparin ang mga signages.

Nasa category ng supertyphoon ang bagyo kapag nagpalabas ang Pagasa ng cyclone signal N0. 5, ang lakas ng hangin na taglay nito ay mahigit sa 220kph sa susunod na 12 oras. Asahan ang matin­ding pinsala ng mga istraktura na nasa coastal areas at maaring maantala ang supply ng kur­yente at signal ng komunikasyon. Kapag ganito kalakas ay mataas din ang alon at banta ng storm surge.