Abante Tonite Interactive

Año, Marcos tinamaan ng virus

907

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nagpositibo siya sa COVID-19 test matapos magkaroon ng exposure sa ilang tao na infected ng nasabing virus noong Marso 26.

“I wish to make an important announcement. Last March 26, 2020, after learning that four persons I had associated with tested positive for Covid-19, I started my 14-day self-quarantine,” batay sa pahayag ni Año.

Nabatid na nagpositibo sa COVID-19 ang kalihim noong Mrso 27 at nitong Martes, Mars 31, lamang niya natanggap ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa kanya ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

“I make this announcement to call the attention of all persons I had close contact with to go on self-quarantine and observe any symptoms, in accordance with DOH (Department of Health) guidelines,” sabi ng kalihim.

Maayos naman aniya ang kanyang kalagayan at walang nararamdamang sintomas ng virus.

“I will continue my quarantine and work from home. The result of my test will not in any way dampen my spirit and energy to do my job,” ani Año.

Samantala, nagpositibo rin sa COVID-19 si dating Senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr.

Kinumpima ito ng kampo ni Marcos sa inilabas na pahayag ng tanggapan nito hinggil sa resulta ng clinical test na isinagawa sa kanya ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

“Ang resulta ng COVID-19 test sa senador ay inilabas ng RITM noong hapon ng Marso 28, 2020 kung saan sinasabing siya’y nagpositibo sa naturang mikrobyo,” ayon sa pahayag.

Matatandaang una nang inihayag ng kanyang asawa na si Liza na walang coronavirus sa kanilang pamilya matapos ibahagi ni Senador Imee Marcos na pagkagaling ng Spain ay sumama umano ang pakiramdam ng kanyang kapatid (Bongbong) kaya nagpa-COVID test ito.

Kasunod nito’y inanusyo na ang staff at silang pamilya ay nagnegatibo naman sa COVID-19, at hinihintay pa ang resulta ng kay Bongbong.

Sa pahayag ng tanggapan ni Marcos nitong Martes, Marso 31, sinabi ni Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita ng dating senador, na “gumaganda na ang kondisyong pangkalusugan” nito.

“Isa lang si BBM sa mahigit libong Filipino na nakipaglaban sa mapanganib na mikrobyo at kasalukuyan ay nilalapatan ng lunas sa isang isolation area,”ayon kay Rodriguez.

Inilahad umano sa kanya ni Marcos na pagkagaling nito sa Europe ay agad nagtungo kinabukasan, Marso 14, sa isang ospital upang magpasuri dahil sa “medyo may pananakit ang aking dibdib at upang matiyak ang kondisyong pangkalausugan” dahil na rin sa paglaganap ng COVID-19.

Gayonman, umuwi umano si Marcos dahil sa sobrang dami ng pasyente sa pinuntahan nitong ospital upang bigyang-daan ang mga nauna sa kanya na maaaring mas masama umano ang pakiramdam. (With Prince Golez)

Sabi ni Rodriguez, lumabas lang sa kanyang silid si Marcos noong Marso 22 para magtungo sa emergency room ng ospital dahil sa hirap ng paghinga. Isinagawa sa kanya ang COVID-19 test at pinayuhan umano si Marcos na mag-self quarantine.

Tonite – Wendys Inhouse Ad