Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ano nga ba ang HIV at AIDS?

0 128

Isang sensitibo at maselang paksa ang Human Immunodeficiency virus o HIV at Aqcuired Immunodeficiency Syndrome o AIDS. Halos ayaw itong pagusapan dahil sa iba ay nakaka iskandalo ito at may kinalaman sa mga sensitibong kilos at bagay. Ngunit hindi ito pumigil sa ilang mga mag-aaral na nagtanong sa atin tungkol dito. “Ano po ba ang HIV at AIDS?” “Paano nagkukuha ito at ano ang sintomas at nagiging kalagayan ng nagkasakit?” “Talaga bang napakadami ang mayroon nito sa ating bansa?” “Paano kami makakatulong ganitong magaaral lamang kami at hindi naman nagtatrabaho?”

“It is always best to learn” at hindi tayo matututo kung hindi magtatanong. Kaya naman huminto tayo sa napakadaming gawain para sagutin sila. Ang HIV ay isang virus na umaatake sa lakas at depensa ng katawan o immune system. Sa umpisa ay walang mararamdaman, ngunit kung hahayaan at hindi magamot ay lalala at dito naguumpisa ang AIDS. Mayroong apat na stages ang HIV. Ito ay ang 1) impeksyon, 2) asymptomatic o walang sintomas at nararamdaman na problema, 3) symptomatic, may mga nararamdaman na sintomas , at 4) pagpapatuloy patungong AIDS. Ang AIDS ay ang huling hantungan ng impeksyon ng HIV kung saan nasira na, hindi lang ang immune system kundi pati na din ang iba’t ibang organo. Kabilang dito ang lagnat, pagpawis ng todo, pagkapagod at pagbagsak ng timbang. Kasamdin ang mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, naglalakihang mga kulani, at pulmonya. Ang HIV ay nakukuha kadalasan sa pagtalik, lalo na sa iba’t ibang tao. Ang iba naman ay nakukuha dahil sa pagtusok ng karayom na nagamit ng iba, tulad ng mag gumagamit ng bawal na droga, pag tato, o di kaya ay nalagyan ng semilya, vaginal fluid o dugong may HIV sa maski anong sugat sa katawan. Maaari ding ipasa ng nagdadalangtaong na may HIV sa kaniyang sanggol sa sinapupunan. Base sa statistics ng DOH mahigit na sa 1,000 (1,054 nung Pebrero) katao ang kumpirmadong may HIV. Mula nung una itong nadiskubre sa ating bansa nung Enero ng 1984 ay mayroon na 96, 266 ang nag positibo sa screening tests. Maliit ang bilang kung ikukumpara sa ibang bansa, lalo na sa Estados Unidos, na mahigit na sa isang milyon. Sa buong mundo ay nasa 21 milyon na ang mayroong HIV. Ngunit, maliit man ang bilang nakakaalarma pa din ang pagtaas nito dito sa Pilipinas.

Ang rekomendasyon ng Centers for Disease Control and Prevention o CDC, ay magpaeksamin ang lahat mula 13 hanggang 64 years old kahit minsan. Ngunit sa mga nanganganib, kahit kada taon ito gawin. Ito ay pinaguusapan na kahit sa menor de edad, dahil sa nakitang malaking porsyento ng may HIV ay nasa 15 hanggang 25 anyos.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ano ang maittulong at magagawa? Maging adbokasiya na huwag makipagtalik hanggang ikasal at kung kasal na ay maging monogamous o sa asawa lamang ang relasyon. Huwag din gumamit ng masamang mga droga dahil sa dami ng sama na naidudulot nito, isa na ang HIV. At huwag ikahiyang pagusapan ito nang hindi pagsamantalahan ng iba.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe! Be vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23, tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.