Abante Tonite Interactive

Año: Siguruhing ligtas na bago alisin ang lockdown

405

Pabor si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa posibleng pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Sabi ni Año, na kasalukuyang naka-home quarantine matapos magpositibo sa coronavirus, kailangang palawigin pa ang lockdown hanggang bumaba na ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na ito at kontrolado na ang virus.

“As far as I am concerned, I think it’s better to continue the lockdown until we have flattened the curve so we will not have any relapse,” pahayag ng kalihim sa panayam sa telebisyon.

Ayon kay Año, na siyang vice chairperson ng National Action Plan Council Against COVID-19, magkakaroon ng pulong sa Lunes ng hapon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para desisyonan kung aalisin na o palalawigin ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad