Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anomalya sa COVID response ng Duterte admin mahirap lusutan?

0 104

Tila mahihirapang malusutan ng kontrobersiyal na si dating Budget Undersecretary LLoyd Christopher Lao ang ang paratang sa kaniya ng katiwalian kaugnay ng bilyong pisong halaga ng pagbili ng medical supplies para sa Department of Health (DOH).

Malaking eskandalo ang nahalukay ng Senado kaugnay ng unannounced mga maanomalyang transaksiyon sa pagbili ng medical supplies sa panahon mg pandemya .

Ang Pharmally Pharmaceutical Corporation ang nakakorner ng halos 8.7 Billion pesos na supply contracts mula sa Duterte administration simula ng maranasan ang covid 19 pandemic noong nakaraang taon.

Ayon nga Kay Senator Ping Lacson na hindi lang plunder bagkus ay isang large scale corruption na ang pondo pa ay mula sa utang sa gitna ng pandemya.

Halatang halata na malakas ang backer ng Pharmally Pharmaceutical Corp dahil noong September 2019 lang nabuo ang kompanya na may paid up capital na 625,000 pesos .

Inaasahan natin na may mga lalabas pang mabigat na ebidensiya upang madiin si atty Lao at makakabuting ituro na nito ang mga kasabwat.

Ayon nga Kay Senator Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

ay maaring umabot ang imbestigasyon ng Senado Kay Senator Bong Go at Kay Pangulong Duterte hinggil sa nasabing umanoy anomalya.

Sinabi nga ni Gordon na si Go ay umaaktong executive assistant pa rin ni Pangulong Duterte kahit isa na siyang Senador kaya naman nag aalangan ang ibang Senador sa mga caucus dahil agad nakakarating sa Malacanang ang impormasyon.

Pero para sa ating lahat at ako bilang tax payer ay mahalaga nating malaman ang puno’t dulo ng eskandalo at mapanagot ang may sala dahil hirap na hirap na ang maraming pilipino sa epekto ng pandemya na marami ang nagugutom, nawalan ng kabuhayan at trabaho at higit sa lahat ay baon sa utang ang Pilipinas na babayaran ng lahat ng mga Pilipino.

Siguro naman ay gising na ang maraming Pilipino sa mga kaliwat kanang alegasyon ng katiwalian sa kasalukuyang administration na dapat ay mapagmasid at hindi na sila magpapadala sa mga pa mura mura at pagbanat ng Pangulo sa kaniyang kritiko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.