Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anomalya sa vehicle inspection papasukin ng Blue Ribbon

0 60

Sinuportahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panawagan ni Senador Grace Poe na imbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang mga anomalya diumano sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS) lalo na ang kasunduan ng Department of Transportation (DOTr) sa mga private inspection center.

“Ako sinusuportahan ko ang sinasabi ni Sen. Poe na dapat imbestigahan pa ito. Unang-una, paano napili `yong 23 operational PMVICs? Mayroon bang mga kamag-anak iyan,” pahayag ni Drilon sa panayam sa radyo.

Sabi pa ni Drilon, kailangan tingnan ang ligal na basehan sa pagpayag ng DOTr at ng Land Transportation Office (LTO) sa pribadong sektor na magsagawa ng motor vehicle inspection.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pangalawa, isang issue, iyan ay regulation ng use of motor vehicles, iyon po ba ay pwede mong i-privatize? Dahilan sa iyan ay an exercise of power of the state to regulate behavior or conduct of the citizens,” sabi ng senador.

“Question lang, wala pa akong sagot, puwede mo bang i-delegate ito sa private sector? Dahil ito ay hindi serbisyo. Kung serbisyo, wala akong problema. Pero `yong tungkol sa regulation, kung ni-regulate mo ang isang behavior, puwede mo bang i-delegate?” ayon kay Drilon.

Sa unang pagdinig ng Senado sa naturang isyu, sinabi ni Drilon na marami pang tanong ang hindi nasagot ng DOTr at LTO kaya nararapat lang ipagpatuloy ng Blue Ribbon Committee ang pag-imbestiga sa kontrobersiyal na pagpapatupad ng MVIS gayundin ang pagpabor ng DOTr at LTO sa ilang private inspection center. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.