Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anong bentahe sa FWD, RWD?

0 164

Maliit pa man ako ay likas na akong mahilig sa mga sasakyan, mula bisikleta, motorsiklo, traysikel, dyip, bus at maging mga traktora.

Kalagitnaan pa lang kasi ng dekada sitenta, ako ay nagkaisip na at nagsimulang magkainteres at mangarap sa mga nabanggit na sasakyan na napakahirap namang matupad dahil sa aming kalagayan na bukod sa napapabilang sa hikahos na mamamayan ay sa kanayunan pa nakatira.

Kaya nga pagtuntong ng highschool, paglipat ko ng pag-aaral sa kabayanan ay talagang binigyan ko ng panahon ang interes sa mga naturang sasakyan.

Isa sa mga maaga kong nalaman ay ang pagkakaiba ng rear wheel drive at front wheel drive kahit pa hindi ko na sipatin ang ilalim ng sasakyan para tingnan ang posisyon ng transmission at propeller.

Kaya bilang isang panimulang tip para malaman ninyo kung ang sasakyang tinitingnan ay front wheel drive o rear wheel drive ay ang posisyon ng makina nito matapos na iangat ang hood.

Kapag ang makina ay diretso ang pagkakamount kung ito ay titingnan mo mula sa unahan patungo sa direksiyon ng windshield, nakakasiguradong kang ‘yan ay rear wheel drive.

Pero kung ang posisyon ng makina ay pahalang o pabalagbag ‘ika nga ng iba mula sa parehong direksiyon, ito ay front wheel drive.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Klaruhin lang natin na pag sinabing rear wheel drive, ang mga gulong sa likuran ang nagtatrabaho paatras man o paabante at kapag front wheel drive, yaong mga nasa unahan naman ang kumakayod.

Noong una ay bihirang bihira ang mga front wheel drive pero ito ay nag umpisang maging sentro ng teknolohiya ng mga awto sa bansa pagpasok ng dekada otsenta kung hindi ako nagkakamali.

May mga nagsasabing mas bentahe ang front wheel drive sa mga paahon batay na rin sa paniniwalang dahil ang unahang gulong ang gumagana at naroon na rin ang makina, magaang na lamang ang hihilahin nito, taliwas sa rear wheel drive na bagamat nasa unahan ang makina ay tinutulak naman siya ng gulong sa likod.

Sa aking karanasan, wala akong makitang ipinagkaiba ang dalawa kung ang convenience sa pagmamaneho ang pag-uusapan.
Ang malaking pagkakaiba ng mga ito batay sa aking personal na karanasan ay ang badyet na iipunin mo para sa maintenance dahil mas magastos ang FWD kumpara sa RWD.

Mas mabilis kumalampag ang FWD, mabilis ding magkaroon ng problema ang steering assembly nito vs RWD.

Menos ang gastos ng RWD pero medyo nakakapanghina isipin na tila paubos na ang ganitong teknolohiya sa mga sasakyang pumapalaot sa lansangan ng Pilipinas.

Mapakotse o SUV, FWD na ang teknolohiyang ginagamit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.