Abante Tonite Interactive

Anong kulay ng damit ang dapat iwasan sa first date?

By
441

Girls, ‘wag magsuot ng color brown, yellow, red at orange sa first date!

Bakit?

Boring daw na maituturing ang brown. Sa survey ay 1% lang sa mga babae at 4% sa mga lalaking respondent ang pabor sa kulay chocolate.

Bagama’t kumakatawan ang brown sa stability at structure, simbolo daw ito ng isang taong walang initiative.

Mabangis naman ang red. Litaw at puno ng damdamin ang kulay pula. Simbolo rin ng pa­nganib at digmaan kaya baka imbes na mapaamo ay ma-intimidate sa’yo ang iyong first date.

Mumurahin naman daw ang kulay orange. At sa isinagawa ring pagsisiyasat ay 30% ng mga babaeng respondent at 33% sa mga lalaki ang nagsabing ayaw nila sa orange na damit.

Marami naman ang nagsasabi na ang yellow ay sumi­simbolo ng pagkasakim at pagtataksil.

Bagama’t maliwanag at cheerful ang dilaw ay hindi ito romantic. Kalimitan kasi itong ginagamit sa children’s advertisement at school buses kaya posibleng hindi na masundan ang iyong unang date.

Ang report na ito ay batay sa isinagawang pag-aaral ng mga psychologist kung saan nakasaad sa Color Psychology book ni Richard G. Lewis, may malaking impact sa iyong unang pamamasyal ang kulay ng isusuot mong damit.