Abante Tonite Interactive

Anong raket ngayon ni Big J?

412

Charlie Favis

May bagong tayong hotel-resort na maaring dayuhin sa Silang-Tagaytay. Ito ay ang Brizo Hotel and Mountain View Resort na pag-aari ng pamilya ni “The Living Legend” former Sen. Robert Jaworski, Sr.

Sa loob ng malawak na lupain ay matatagpuan ang iba’t ibang magarbong pasilidad na ang disensyo ng mga gusali ay “Greek Inspired”.

Ang Brizo Hotel ay mayroong malalaking mga kwarto at loft type rooms para sa total comfort at relaxation ng mga hotel guest.

Ang hotel ay may dalawang heated swimming pool na siguradong patok para sa iba’t ibang panauhin.

Ligtas at malaki din ang parking space ng buong resort.

Masasarap na pagkain naman ang pamimilian sa Casa Arco, ito ay ang restaurant ng Brizo Resort na ang mismong Chief Chef ay ang ikatlong anak ni Big J na si Ryan Jaworski.

Magagandang tanawin din ang makikita sa scenic view sa likod ng restaurant.
Kapag nadinig ang apelyidong Jaworski, nakatatak na siyempre ang larong basketball.

Sa Performance Center ay may apat na indoor basketball courts na may sariling gym at mga exer­cise equipment, mayroon din itong game rooms na puwedeng maglaro ng table tennis at badminton.

Maari rin itong pagdausan ng team building, basketball clinics, volleyball at iba pang sports at multi-function activities.

Sa mga pamilya, magkakabarkada, pribado at ahensiya ng gobyerno na naghahanap ng bagong pasyalan ngayong summer season, pasyal na sa Brizo-Tagaytay.

Ito na ang pinagkahahabalahan ng pinakasikat na manlalaro ng basketball noong dekada 80 hanggang dekada 2000, the Big J, the Living Legend, Robert S. Jaworski, Sr.

Good luck sa iyong napakagandang proyekto.