Abante Tonite Interactive

Anong stage ka sa buhay mo?

124

Bigat ng paggamit ng salitang stage ha. Para kasing naririnig ko ‘to kapag may cancer ang tao. Pero ginagamit din ito sa estado ng buhay imbes na literal na translation ng stage ay entablado nagiging estado kapag pag-uusapan ay kalagayan sa buhay.

Kaya naman top trending sa RX 93.1 ang hashtag NasaStageAko­NgBuhayKo at narito ang ilan sa dugtungan ng netizens na ang iba ay nakakatawa lang, ang iba naman medyo humuhugot sa lalim ng buntung hininga, pwede na sumali sa pahabaan ng Happy Birthday greeting sa party.

Kaya nandito na ang dugtungang #NasaStageAko­NgBuhayKo…

Nasa stage ako ng buhay ko na pag walang pasok no ligo.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko pag mahina net, matutulog na lang ako.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na kapag may aalis, itatago ko ‘yung tsinelas.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na pag nainip ako ng sobra, kikidnapin ko na si crush!

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na tanggap ko na di talaga ako worth it na tao na walang magtatake risk sa akin.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na di pa nga ako nakakaranas ng 8 hours sleep may pasok na agad.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na napapagod na sa sobrang kagandahan.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na hindi na ako naghahangad ng poging boypren basta marunong maligo okay na.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na hindi ko talaga alam kung ano’ng gustong kong gawin.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na Nagtatanong tayo ng mga bagay na alam naman natin ang sagot.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na tanggap ko na sawi ako and mag mamadre na ako.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na pag may nanligaw, okay. Kung wala, edi tatandang da­laga.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na bigla bigla nalang akong malulungkot without a valid reason.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na kinikilig na ako kapag pumapasok sa home section ng mga department store.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na nakapag Desisyon nakong Di kakain tas Bigla nalang akong nagutom. Edi ayun.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na pag tinanong ako kung pera o buhay ko parehas kong ibibigay.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko: Na kapag tinawag ako sa hindi ko pangalan ay binibigwasan ko na eh.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko: Na kapag may oras ng pahinga at pagod na, mas naghahanap pa ko ng ibang gawain para malibang.

– Kasi alam niyo ‘yon? Na sobrang pagod ka na pero iniisipan mo pa din ng paraan ang isang bagay na alam mong imposibleng makamtan.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na kelangan ko ng mamili kung BEER o KAPE.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na kapag may dumating tuturo ko agad yung exit.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na pag may aalis, ako pa magbibigay ng pamasahe.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko Pag siniseen moko iniisip ko na lang na naubusan yung tinta ng keyboard mo.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na very content naman ako sa singleness pero badtrip, ganda nung wedding photos nila.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na kung may mag aabot sakin ng pera, Sige aabot ko sa Driver. “Kyah! Bayad daw po!”

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na pag may jeje akong nakita sa newsfeed ko unfriend na agad.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko sinasadya ko na hulugin yung mga tinidor para my dumating na lalaki sa buhay ko.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na ako na yung magsusuot na ako ng shirt na my printed na “take me free nalang”.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na mag lalagay na ako ng karatula na “ligawan niyo ko” para my manligaw saken.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na ‘Sige magmahal nalang ako ng Bisex. Total wala namang kwenta ang mga lalake eh.’

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko kung saan walang wala nakong pake.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na lahat ng pa-giveaway sa Facebook, sinasalihan ko.

Nasa Stage Ako Ng Buhay Ko na ang sagot sa lahat ng bagay ay…

“Okay, sige.”

Kain tayo. “Okay, sige.”

Inom tayo. “Okay, sige.”

Wala na akong ipon. “Okay, sige.”

Di dadating pasyente. “Okay, sige.”

Di ata makakagraduate on time. “Okay, sige.”