Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Antetokounmpo, Milwaukee kakalas

0 38

IBINUHOL ng Milwaukee Bucks ang NBA Finals series sa 2-2 sa likod ng mga tira ni Khris Middleton at butata ni Giannis Antetokounmpo na nagresulta sa 109-103 win kontra Suns.

Balik ng Phoenix ang serye, unahan muli sa panalo sa Game 5 ngayon.

“It’s two teams left in the league now playing for an NBA championship on the biggest stage,” suma ni Bucks forward Bobby Portis.

Sa stretch habang inaalagaan ng Milwaukee ang 101-99 lead, binura ni Antetokounmpo ang dakdak na sana ni Phoenix center DeAndre Ayton mula sa lob ni Devin Booker.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagtuhog ng 10 sunod na puntos sa dulo si Middleton para selyuhan ng panalo. Tumapos siya ng 40 points panapaw sa 42 ni Booker.

Mahalagang 26 points, 14 rebounds at 8 assists pa rin ang kontribusyon ni Antetokounmpo.

Noong huling laro lang nagising si Middleton matapos ang anemic na delivery sa first three games.

Para makauna ang Bucks, kailangan ni Antetokounmpo ang suporta nina Middleton at Jrue Holiday, gayundin si Brook Lopez. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.