Abante Tonite Interactive

Antetokounmpo tatalon sa GSW para kay Curry

0 709

PINAKAMALAKING rason si superstar point guard Stephen Curry sakaling piliiin ni Giannis Antetokounmpo na tumawid sa Golden State, ayon kay Anthony Slater ng The Athletic.

Magkaibigan sina Curry at Antetokounmpo.

Pagkatapos ng 2019-20, pwedeng bigyan ng Milwaukee Bucks si Giannis ng supermax extension. Kung tatanggihan ng Greek Freak, pwede na siyang maging unrestricted free agent sa 2021 offseason.

Sa susunod na summer, 26 na si Giannis at 33 naman si Curry. Sina Klay Thompson at Draymond Green ay pareho nang 31 nun.

Kainitan pa lang ng kanilang laro, marami pang magagawa ang apat sakaling magsasama-sama sa Warriors.

Matinding kumbinasyon.

Tulad noong 2016 nang isahog si Kevin Durant kina Curry, Thompson, Green at Andre Iguodala na nagresulta sa dalawang sunod na kampeonato.

Bago nasuspinde ang 2019-20 season noong March 11 dahil sa coronavirus, naga-average si Antetokounmpo ng 29.6 points, 13.7 rebounds at 5.8 assists para ihatid ang Bucks sa NBA-best 53-12 record. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad