Abante Tonite Interactive

Antetokounmpo tinisod si Harden, Houston

By
0 145

Bagsak si James Harden kay Giannis Antetokounmpo Miyerkoles nang gabi.

Sa isang kakaibang play sa third quarter, nagpakawala si Anteto­kounmpo ng one-han­ded pass sa lane, sapul ng fast ball ang mukha ni Harden.

Talbog ang bola pabalik kay Anteto­kounmpo, binigay kay Ersan Ilyasova para sa 3.

Slow-motion na bumagsak si Harden nang tamaan pero mabilis ding nakatayo at mukhang hindi naman nasaktan.
Nailang din ang Greek Freak at sinabing nag-sorry siya kay Harden.

“It was crazy because it was so hard for the ball to be able to bounce from one side of the floor to the other side of the floor, that’s how you know how hard the pass was,” anang Bucks forward. “It was an accident, but I’m so happy it bounced back to me.”

Hindi raw napaghandaan ni Harden ang matulis na pasa.

“I didn’t even know what happened,” anang Houston guard. “I think the ball somehow came back into his hands … wish I would have seen it.”

Umiskor si Anteto­kounmpo ng 27 at nagbaba ng season-high 21 rebounds at naligtasan ng Milwaukee ang 42-point performance ni Harden.

Umalis ng Houston ang Bucks bitbit ang 116-109 panalo.

Nanlamig pa ang shooting ni Harden at ng Bucks mula third patawid ng fourth quarters at naiwan ng hanggang 15.
“We just got stagnant and defensively I think we allowed 38 points in that quarter – way too many – especially at home and so there you go,” suma ng reigning MVP.

Pumalag sa 109-106 ang Houston sa apat na sunod na puntos ni Harden 2 1/2 minutes pa.

Balik sa apat ang abante ng Milwaukee sa free throw ni Anteto­kounmpo 90 seconds pa. Sablay ang pangatlong sunod na 3 ni Harden, nagdagdag si Anteto­kounmpo ng layup 112-106, 40 ticks na lang.

Sablay muli ang 3 ni Harden bago naglista ng apat na free throws ang Bucks sa stretch.