Anthony reretiro ‘pag nagkatitulo

Hangad ni NorthPort forward Sean Anthony na makasungkit ng kampeonato sa PBA bago magretiro.
Sa 45th season Philippine Cup 2020 sa Pampanga bubble, hindi pinalad na makasampa sa quarterfinals ang Batang Pier.
“I was playing alright in the bubble, averaging almost triple-double. It’s just unfortunate we couldn’t close out, then I got injured,” tanaw balik ng baller sa PBA.ph, na nagka-hamstring injury sa import-less conference.

Kaya naman, asam ng 35-year-old, 6-foot-4 cager na may average na 14.50 points, 9.75 rebounds, at 5.75 assists sa nakaraang taon, ang kampeonato sa season 46 ng pro league na magbubukas sa April bago isabit ang kanyang uniporme.
“Winning a championship is the best way to cap my stellar career. I think I have a few good years with me, that’s for sure. But I don’t think I’ll pull a Tom Brady, who played until 43,” panapos na wika ng Fil-Canadian. (Janiel Abby Toralba)