Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villanueva unang nag-silver medal sa Summer Games

0 277

Si Anthony Villanueva ang unang atletang nagkaloob ng silver medal sa bansa sa boxing mula sa Summer Olympic Games sa ika-18 edisyon ng quadrennial sportsfest noong 1964 sa Tokyo, Japan.

Pinagdidispatsa ng pambato ng ‘Pinas na isinilang noong March 18, 1945 at namatay noong May 13, 2014 sa edad na 69 sa Cabuyao, Laguna, ang mga karibal na Italian 3-2 sa Round-of-32, Tunisian 4–1 sa Last 16, Pole via Referee Stopped Contest sa quarters, at American 4-1 sa semis.

Pero kontrobersiyal na natalo ang 5-foot-5 at nag-aral sa Far Eastern Universioty na boksingero sa men’s featherweight (-57-kilogram) finals kay Stanislav Stepashkin ng Soviet Union 2-3.

Anak si Anthony ni Jose ‘Celly’ Villanueva, isa ring Olympic boxer na bantramweight bronze medalist sa 1932 Los Angeles Summer Games.

Nag-professional ang nakababatang Villanueva noong 1965 at nagposte ng 1-3-1 (win-loss-no contest) bago nagretiro agad. Naging aktor siya sa limang palikula, nag-boxing coach sa ‘Pinas, security guard, cook at private boxing gym coach sa USA simula noong 1976.

Nagbalik-bayan siya noong 1988 at tumulong sa national team sa Seoul Olympics, muling nag-Tate at balik uli ng ‘Pinas para sa kabutihan na. Na-stroke, inatake sa puso nang ilang ulit siya at yumao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.