Abante Tonite Interactive

Anti-Carnapping Law pinalupit

82

Mas malupit na parusa ang naghihintay sa mga carnapper matapos maging batas ang bagong Anti-Carnapping Law kaya ngayon pa lamang nagbabala na si Sen. Grace Poe sa mga ito na itigil na ang kanilang criminal activities.

Ginawa ni Poe ang pahayag matapos maging awtomatikong maging batas ang bagong Anti-Carnapping Law kahit hindi ito nilagdaan ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bago bumaba sa puwesto.

“The new administration has allowed the legislative measure — which has been designated Republic Act (RA) No. 10883 — to lapse into law, which has been enrolled in Malacañang before former President Benigno Aquino III stepped down. Under the Constitution, the President has 30 days to sign or veto a measure approved by Congress,” ani Poe ukol sa nasabing pa batas na kanyang inisponsor noong nakaraang Kongreso.

Base sa nasabing batas, hindi na papayagang makapagpiyansa ang mga carnapper at mula sa dating 14 taong pagkakabilanggo na parusa ay magiging 20 hanggang 30 taon na ang mga ito sa loob ng kulungan.

Puwede pang umabot sa 40 taong pagkakakulong kapag gumamit ng dahas ang mga carnapper at kapag napatay ng mga ito o kaya ginahasa ang may-ari ng inagaw na sasakyan ay life-imprisonment na ang kanilang parusa.