Abante Tonite Interactive

Anti-corruption drive ni Digong marami nang tinamaan — Roque

By ,
1,041

Ipinagmalaki ng Malacañang na marami ng mga tiwaling taga-gobyerno ang nalagas at naali­s sa puwesto dahil sa seryosong kampanya ni P­a­ngulong Rodrigo Duterte kontra korapsiyon.
Inihayag ito ng Palasyo kasunod ng pre-SONA assessment sa kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, marami ng mga opisyal ang sinibak ng Pangulo mula gabinete hanggang sa mga lokal na opisyal kabilang na dito ang 17 opisyal kaugnay sa isyu ng Boracay.

“‘Sibak, Sibak, Sibak’ has been the President’s consistent battle cry with officials including those holding Cabinet rank not spared from the Administration’s anti-corruption drive. In addition, seventeen (17) local officials now face charges in court in connection with the Boracay mess, 186 local officials were withdrawn from police deputation, and 57 complaints against local officials were investigated,” ani Roque.

Duda naman ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc sa anti-corruption campaign ng Duterte administration.

“Kung totoo ang sinasabi ni Pangulong Duterte na wala siyang sinasanto sa administration niya…sabi niya whiff of corruption, eh dapat ipursige (ang pagsasampa ng kaso). Ang nangyayari kasi ngayon may mga tinatanggal na opisyal, parang thank you and goodbye na lang,” pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.