Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anti-discrimination bill umusad na

0 159

Inaprubahan ng House Committee on Human Rights ngayong Huwebes ang panukalang anti-discrimination law.

Walang tumutol sa mosyon ni Bataan Rep. Geraldine Roman na aprubahan ng Komite ang inamiyendahang substitute bill.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang panukala ay binuo mula sa 10 House bills.

Layunin nitong ipagbawal ang diskriminasyon dahil sa kasarian, lahi, kulay ng balat, sexual orientation, wikang ginagamit, relihiyong kinaaaniban, at mga katulad na bagay.

Bubuuin ng Komite ang pinal na bersyon ng panukala batay sa mga pagbabagong inaprubahan sa pagdinig bago ito isumite sa House Committee on Rules upang maisalang sa deliberasyon ng plenaryo. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.