Abante Tonite Interactive

Anti-drug war sa Bulacan, Laguna: 4 pusher todas

278

Tatlong suspek sa pagtutulak ng droga ang napatay habang anim na iba pa ang nasakote sa buy-bust operation sa Bulacan kamakalawa nang gabi at kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni Bulacan police provincial director P/Col. Chito Bersaluna, ang mga napatay na suspek na sina Julius Ace Lavarro ng Meycauayan City; Alfie Garcia y Ileto, 38, ng San Rafael; at Harold Sumpongco y Rayala, nasa hustong gulang at taga-Norzagaray, Bulacan.

Ang anim na naares­tong suspek ay nakor­ner sa Meycauayan City at Bocaue, Bulacan at nahulihan ng 18 pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, isang diumano’y kilabot na drug pusher sa mga lalawigan ng Batangas at Laguna ang napatay sa engkuwentro ng mga pulis noong Sabado nang gabi.

Natadtad ng bala sa katawan ang suspek na si Renan Mojadoy Llanes na nakipagbarilan umano sa buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna dakong alas-10:30 nang gabi.

Narekober umano sa suspek ang isang 9mm caliber na baril at walong sachet ng hinihinalang shabu. (Jun Borlongan/Ronilo Dagos)