Abante Tonite Interactive

Anti-dummy case nakaumang sa Rappler

216

May nakaumang na kasong anti-dummy laban sa mga execu­tive ng Rappler news online, kasunod ng kinakaharap nilang kasong tax evasion at ­cyber libel.

Nabatid na ang nabanggit na kaso ay nasa Pasig City prosecutor office na siyang nagsagawa ng preliminary investigation kaugnay sa reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) noong nakalipas na taon.
Ang kaso ay nag-ugat matapos madiskubre na ang Rappler ay pag-aari ng dayuhang kompanya dahilan para kanselahin ng Security Exchange Commission (SEC) ang kanilang registration.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang panibagong kaso laban sa Rappler ay isinumite na para sa resolusyon.

Wala pang ibinigay na detalye sa kaso para hindi mapangunahan ang desisyon ng prose­cutors kung ibinasura o isasampa ang kaso sa korte.

Matatandaan na ina­tasan ng DOJ ang NBI na imbestigahan ang posibleng paglabag ng Rappler sa Commonwealth Act No.
108 kilala bilang Anti-­Dummy Law pagkatapos na madiskubre na pag-aari ng American Omidyar Network ang Rappler.

Nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang dayuhan sa anumang pag-aari ng kompanya tulad ng media company na dapat ay 100% na pagma-may ari ng Pilipino alinsunod sa Saligang Batas.

Ang sinumang lumabag ay maaaring makulong ng hanggang 15 taon na pagkabilanggo.