Abante Tonite Interactive

Anti-Duterte film tsinugi ni Brillante sa Sinag Maynila

771

Bagama’t inanunsyo na kasama sa official fina­list ng Sinag Maynila 2020 ang pelikulang “Walang Kasa­rian Ang Digmang Bayan” noong presscon, bigla umano itong tinanggal. Ang prestihiyosong independent film festival ay magsisimula sa March 17 hanggang March 24.

Ayon sa source, pinatawag ang director ng pelikula na si Jay Altarejos ng tagapamahala ng festival sa pangunguna ni Brillante Mendoza noong Februa­ry 20. Sinabihan umano ito na ligwak na ang naturang anti-Duterte film sa pestibal.

Sa panayam kay Josh Mercado, publicist ng pelikula tumawag daw si direk Jay sa kanya.

Katuwiran umano ni Mendoza, may mga tumawag daw sa kanila na investors ng Solar, ng Sinag na nagpahiwatig na hindi umano nagustuhan ang mensahe ng pelikula.

Binigyan daw ng option si direk Jay. Pinapa-reshoot ang ibang eksena.
Pero kilala si direk na walang makakapigil sa kanyang pinaglalaban sa pelikula. Walang makakadikta sa kanya. Gusto lang daw n’yang magkuwento ng katotohanan.

Anyway, how true na hindi rin nagustuhan ni Mendoza ang film lalo na ang trailer nito? Pati ang pagsusuot ni direk Jay ng t-shirt ng ABS-CBN noong presscon? Totoo ba na nagkakainitan sila ngayon?

Bukas ang panig ni direk Brillante para sa ikakalinaw ng isyu.