Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anti-LGBT: Assumption School-Iloilo kinondena

0 338

Pinutakti ng batikos sa social media ang isang Catholic school sa lungsod Iloilo hinggil sa `ground for expulsion’ at immoral ang pagiging isang homosexual.

Mariing kinontra ng LGBT Community Affairs Office sa Iloilo City ang nabalitaan nilang ‘grounds’ for expulsion ang imoralidad na nakasaad sa handbook ng Assumption School-Iloilo.

“We understand that you have your own standards when it comes to education and we are not here to question the quality of your educational services that you offer, how so ever we stand with the discrimination policies that are existing in our community,” sambit ni Gabriel Umadhay, head ng LGBT Community Affairs Office sabay hirit nitong dapat humingi ng dispensa sa LGBT Community ang nasabing paaralan.

Katwiran naman ng Assumption School, ang nilalaman ng kanilang handbook ay base sa catechism ng Simbahang Katolika at hindi lantarang diskriminasyon sa grupo ng LGBT.

“There is no intent nor was there ever an intent to discriminate against homosexuals as represented in social media,” ayon sa pahayag ng Community of the Religious of Assumption Iloilo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.