Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anti-terror bill pirmado na ni Duterte

0 465

Ganap nang batas ang anti-terrorism bill sa kabila ng batikos na hinarap nito sa nagdaang mga linggo.

Ito’y matapos kumpirmahin ni presidential spokesperson Harry Roque na nilagdaanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalanag batas kahapon, Biyernes. Ang nasabing bagong batas ay naglalayong bigyan ng pangil ang Human Security Act of 2007, na ayon sa mga mambabatas ay isa lang ang nakasuhan dahil dito.

Sa ilalim ng Anti-Terrorism Law, maaaring ikulong ng 14 hanggang 24 na araw ang isang pinaghihinalaang terorista kahit walang hinaing arrest warrant.

Maraming mga human rights group at ilang mambabatas ang hindi sang-ayos sa dito dahil sa pangamba na posible umanong magamit laban sa mga oposisyon ng gobyerno. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.