Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anti-terror law epektibo na bukas

0 292

RP

Simula July 18 ay magagamit na ang bagong pasang anti-terror law, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ito’y paglilinaw sa unang naanunsyo na sa July 19 ang effective date ng nasabing batas.

Ayon kay Guevarra, sinundan nito ang publication rule kung saan 15 araw magiging epektibo ang isang batas matapos mailimbag sa Official Gazette o sa diyaryo.

July 3 pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020.

“The effectivity clause of the Anti-Terrorism Act states that the act shall take effect 15 days after its publication in the Official Gazette or in at least two newspapers of general circulation,” ayon kay Guevarra.

“Considering that the law was published on July 3, it will take effect on July 18, which is the 15th day. This is in accordance with the ruling of the Supreme Court in ‘People vs Nicolas’ (G.R. no. 135877), among others,” aniya pa.

Pinapalagan ng mga human rights group ang anti-terror law dahil sa pangamba na magamit ito laban sa mga kritiko ng administrasyon, kung saan kasama sa probinsyon ay ang pagdetine sa isang suspected terrorist na posibleng umabot sa 24 araw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.