Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anti-Terror Law hinarang sa SC

0 511

Naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang ilang grupo para patawan ng temporary restraining order (TRO) ang Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ganap na maging batas.

Sa Facebook post ng Calleja Law Firm, kasama sa mga petitioner si Atty. Howard Calleja, maging si dating Education Secretary Brother Armin Luistro para sa hiling na TRO laban sa bagong batas kontra terorismo.

Inihain ang petisyon sa pamamagitan ng bagong teknolohiya (online) ngunit sa Lunes ay pupunta ang grupo sa SC para pisikal na ihain ang reklamo laban sa nasabing batas.

“The group advocates a just and humane law that is for the benefit of all Filipinos. While threats to our national security need to be addressed, the law, as crafted, is oppressive and inconsistent with our constitution, hence, the petition. This fight against Terrorism should not and should never be a threat to the fundamental freedoms of all peaceful Filipinos,” ayon sa grupo.

Kasama sa mga pinagpapaliwanag ng grupo ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, National Security Adviser, ang mga kalihim sa Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Department of Finance, Department of Justice, Department of Information and Communications Technology, at Anti-Money Laundering Council executive director.

Leave A Reply

Your email address will not be published.