Abante Tonite Interactive

Anti-Terrorism Law lagyan ng pangil

155

Dear Abante Tonite:

Isa po ako sa matutuwa kapag naamyendahan ang Anti-Terrorism Law ng Pilipinas. Sa mga nakalipas na panahon kasi ay nakikita natin kung gaano walang pangil ang batas dahil nalilimitahan ang galaw ng mga pulis at sundalo sa mga suspected terrorist dahil tatlong araw lamang ang binibigay sa kanila para makapag-build up ng kaso.

Sa panukalang amyenda sa batas ay binibigyan na ng Senado ng 14 na araw ang ating mga awtoridad na makapagkalap ng mas maraming ebidensya para tulu­yang makasuhan at managot sa batas ang mga terorista.

Positibo rin ako na maipapasa ang batas dahil nagbigay na rin ng katiyakan si Senate President Vicente Sotto III na uunahin nila ang panukalang ito na matalakay sa plenaryo.

Masusugpo nito ang problema sa Abu Sayyaf, BIFF, Maute-Daesh Group at iba pang grupo na gumagawa ng karahasan sa Pilipinas. At kung tuluyan na itong ma­ging batas mas magkakaroon ito ng pangil at harinawa ay ma­ging daan sa mas maigting na pagpapatupad ng batas ng mga pulis at sundalo upang matapos ang problema sa te­rorismo sa ating bansa.

Ezekiel Manaois
Pulilan, Bulacan