Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Antibody test binenta, 2 tiklo

0 140

Arestado ang dalawang lalaki dahil sa umano’y pagbebenta ng mga hindi awtorisadong COVID-19 antibody test kit sa isang buy-bust operation sa Quezon City nitong Lunes.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Erwin Baluyot, 39-anyos, online seller at residente ng Sampaloc, Maynila; at Rocky Victoring, 35, driver, at residente ng Quiapo, Maynila.

Batay sa ulat, alas-4:50 ng hapon, kamakalawa, naaresto ng mga tauhan ng Quezon City District Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek sa isang buy-bust na ikinasa sa Banawe St., Brgy. Sta. Mesa Heights.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang CIDG hinggil sa online selling ng ilang indibidwal ng mga hindi awtorisadong COVID-19 antibody test kit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad namang nagkasa ang mga awtoridad ng entrapment/buy bust operation laban sa Facebook account na may username na “Esrohder Toyulab”, at kalaunan ay natukoy na si Baluyot, na ilegal na nagbebenta ng Clungene Rapid Test kit.

Kasama sa narekober mula sa mga naarestong suspek ang P1,000 marked money na may kasamang boodle money, 200 kahon ng COVID-19 antigen rapid test kit na may tatak na Clungene Rapid Test kit at may market value na P800,000; at isang gray na Toyota Innova (NDD-9405).

Sina Baluyot at Victoring ay natukoy na mga miyembro ng Christian Criminal Group (Sta. Cruz, Manila chapter) na sinasabing sangkot sa ilegal online selling ng mga unauthorized COVID-19 RT-PCR test kit.

Sila ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9711 (FDA Law). (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.