Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Antigen, swab test ng reperi negatibo

0 90

Clark Smart Giga City – Positive news ang ipinarating ng PBA kahapon na negative ang antigen at swab tests ng referee na unang sinabing positibo sa COVID-19.

Ang hindi kagandahang balita ay isang player ng Blackwater ang nakitaan din ng positive test mula sa resulta ng testing na isinagawa noong Huwebes.

Related Posts

“Clarification lang, when we did the antigen test, we also did intermittent swab test. Subsequent swab test is negative. We now consider him (referee) negative,” paliwanag ni Dr. Jose Canlas, PBA medical consultant, sa biglaang ipinatawag na Zoom conference Linggo ng umaga.

Mananatili ang game official na naka-quarantine sa Athletes Village sa New Clark City, tatapusin muna ang hanggang limang araw pang isolation bago makabalik sa bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.