Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Antigen test sa Baguio aprub na ng IATF

0 255

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pilot testing ng antigen test sa Baguio City.

Sinabi ni Prsidential Spokesman Harry Roque na gagamitin ang antigen test sa mga nagkaroon ng contact sa COVID positive sa lungsod bilang paghahanda na rin sa napipintong pagbubukas ng kanilang turismo.

“Inaprubahan po kahapon ng IATF yung pilot ng paggamit sa antigen testting sa Baguio City,” ani Roque.

Ang antigen test ay isang uri ng swab test na ang resulta ay nakukuha lamang sa loob ng 10-15 minuto. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.