Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Antipolo, 9 taon nagmarka sa malinis na pondo

0 129

Muling pinarangalan sa ika-siyam na sunod na pagkakataon ang Lungsod ng Antipolo ng Seal of Good Financial Housekeeping ng Department of the Interior and Local Government.

Ang nasabing parangal ay pahiwatig ng maayos na pangongolekta at paggamit ng pondo ng bayan para matiyak na walang anumang bahid ng korapsiyon.

SM food to go Banner Ad

“Muling pinatunayan ng ating Lokal na Pamahalaan nitong taong 2021 na maayos ang paggamit natin at tama ang mga pinaglalaanan ng public funds sa ika-9 na sunod-sunod na taon, simula ng termino ni dating mayor Jun, taong 2013,” sambit ni Mayora Andrea ‘Andeng’ Ynares patungkol sa kanyang asawa na si dating Mayor Jun Ynares.

Ayon sa mayora, mahalaga ang naturang award sa panahon ng pandemya kung saan ipinakita ng city government na patuloy ang trabaho kahit may banta ng COVID-19, at tinitiyak na ang buwis na ibinabayad ay nagagamit nang tama, ayos at sapat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.