Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Antipolo, SMC sanib-puwersa sa `Kabuhayan sa Kabahayan’

0 179

KAISA ang mga Antipolenyo na makabangon mula sa pandemya, sinabi ni Mayora Andrea `Andeng’ Ynares na patuloy silang naghahanap ng mga paraan para matulungan ang mga kababayang gustong makabangon at makapagsimula muli.

Katunayan pinangunahan ni Mayora Ynares ang Orientation For Community Re-Sellers.

Aabot sa 47 na Antipolo-based cooperatives ang dumalo dito.

Nabigyan sila ng mga produkto mula sa San Miguel Foods Corporation (SMC) para magkaroon ng hanapbuhay sa sarili nilang tahanan o opisina ng kooperatiba.

Itinutulak ng Antipolo LGU at SMC ang temang “Kabuhayan Sa Kabahayan” kung saan ang mga ito ay mahahandugan ng mga produktong hindi lang pang-bahay, pero pang-hanapbuhay!

Leave A Reply

Your email address will not be published.