Abante Tonite Interactive

Antoinette -Dan engaged na

705

Engaged na ang mga sikat na direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas!

Inanunsiyo ito sa Instagram ng kanilang agency na Cornerstone Entertainment.

“Just before the love month ends! Congratulations to the newly engaged couple, our amazing directors @tonetjadaone & @danvillegas ! Love is truly in the air! Greetings from your Cornerstone Family!,” wika ng agency.

Komento ng isang netizen, ang wedding ring ba ni Jadaone ay “The Arrow With A Heart Pierced Through Him,” na reference sa pelikula ng babae na “That Thing Called Tadhana.”

Sa ngayon,nag-post na si direk Dan sa kanyang IG ng photo ukol sa engagement. May solo photo si direk Antoinette na suot ang engagement ring.

May caption na : “Probably the best portrait I ever shot.” Sa comment section ay nag-congrats sina Jennylyn Mercado, Jake Cuenca, Sylvia Sanchez, Angel Locsin, Marvin Agustin, Bela Padilla atbp.(Riley Cea)