Abante Tonite Interactive

Anton Diva walang inggit kay Vice

630

Naunang nakilala si Anton Diva sa pagkanta at pagpapatawa sa mga comedy bar kumpara kay Vice Ganda, pero ngayon, malayo na ang narating ng Unkabogable Star.

Aminado naman siya na napag-iwanan ng kaibigan pagdating sa karera dahil bukod sa ganap na artista na ito, kampeon din ito sa box office.

“Naiwan ako dahil siguro hindi ako iyong hinahanap masyado ng nakararami, ng audience,” sey niya.

“Na-realize ko, ganoon naman before ang mga Pilipino, na sobrang malululungkutin tayo and we really needed somebody to make us laugh that hard and Vice gave it to the Filipino people,” dugtong niya.

Sey pa niya, happy pa siya sa naabot ni Vice at never daw siyang na-insecure o nainggit dito.

“Hindi ako nalulungkot o naiinggit kasi kaibigan ko naman ang sumikat. Siguro para sa kanya iyon, it’s his destiny. Ako naman, kung saan naman ako dalhin ni Lord, okay ako. Okay hanggang nakakakain ako nang sapat sa isang araw at naibibigay ko sa mga mahal ko ang kailangan nila,” paliwanag niya.

Magpapakitang-gilas ang orihinal at undisputed impersonator ng Asia’s Songbird sa kanyang special birthday concert na “SHINE XXII AD: ANTON DIVA” na gaganapin sa Cuneta Astrodome, Pasay City sa Hunyo 15.

Special guests niya rito sina Regine Velasquez at Vice Ganda, kasama sina Michael Pangilinan, Raging Divas, Ms. Q and A 2019 Mitch Montecarlo Suansane at Jewel Jhonson samantalang ang Pepper Divas at Rapture Girls ang magiging front act performers.

Ito ay mula sa produksyon ng Teri Onor Entertainment Services at sa direksyon ni Peter Flores Serrano. (Archie Liao)