Abante Tonite Interactive

Antonio, 29 pa sa Frankie & Friends

0 306

Babalik ang pang-Biyernes na sagupaan sa Pasay City Cockpit sa Frankie and Friends 5-Stag Derby ngayon tampok ang mga sultador ng Metro Manila, Bulacan at Laguna.

Kasali ang may 30 kalahok sa pangunguna ni Tony Antonio, co-champion sa SC Man Dupax 5-Stag Derby nitong Nobyembre 21 at grand finalist sa 7 points sa Bakbakan 12-Stag Derby.

Mga suportado ito ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 na may premyong aabot sa P500,000.

Tutulong sa promoter sina PCC pit manager Gerald Go, EMB group at Jerald Picazo.

Darako naman sa Lunes, Disyembre 2 ang PFGB Digmaan 11-Stag National Derby sa isa pang 3-stag elims na hatid ng Luzon Gamecock Breeders Association.

Sa nasabing sabungan din ang may 150 sulta­dang Encuentro 5-Stag Derby Part 4 sa Dis. 6.

Sa mga detalye pa kontakin si Erica sa 0945 4917 474 o si Ace sa 0939 4724 206, 8843 1746 at 8816 6750. (Enjel Manato)