Abante Tonite Interactive

Antonio, 3 pa sasagupa sa 2020 LGBA CoY derby

322

Pangungunahan ng Team Sagupaan ang pagpapatuloy ng “2020 LGBA Cocker of the Year” series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28.

Hatid ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang higit P1 milyon sa 4-cock finals na itataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Sasali si sabong idol Patrick Antonio, galing sa ­back-to-back championship sa National Cockers Alliance (NCA) derby, kasama sina three pointer Arnold dela Cruz, Hector Magpantay at Ronnel Pasia.

Ang ibang three pointer ay sina Percy Modomo, lawyer Jun Caparroso, Mel Lim, Nelson Uy/Dong Dhung, Boy Gamilla, Mayor ­Rommel ­Romano, Boy Tanyag at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.

Umiskor ng 2.5 puntos sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Team Sagupaan kasama sina Raymond Velayo, Toto Gregore, Mamad Villarubio, RM Senor Vicente entry, Vic Bilangel at Jong Daed.

Ayon kay LGBA president Nick Crisostomo, bibitaw ang second leg ng COTY series (7-bullstag derby) sa Mar. 9, 16 at 23.

Sa ibang detalye, 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)