Abante Tonite Interactive

Antonio, 5 pa sa ‘Digmaan’ semis

304

Ikalawang ikutan ng PFGB Digmaan 11-Stag National Derby para sa mga miyembro ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), ang pambato ng Pasay City Cockpit ngayon, Huwebes.

Pasok na sa semifinal round sa Dec. 9 ang 25 kalahok sa pangunguna ng may three pointers na sina Jed Antonio ng Jedi Master, Michael Irvin Cua ng MGC Lightning, Top Leo 2 ng Leo Ching, Jeffrey at Aylwyn Sy ng Team Sagupaan-Jam SB High Action, at Rep. Jose Panganiban ng Magnus Isabela ANAC IP 168.
Isang 3-stag elims ang laban sa araw na ito na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Susunod bukas, Biyernes, Disyembre 6 ang Encuentro Big Event 5-Stag Derby Part 4 na may 150 sultada.

Ang mga team na kalahok ay Highlander Cavite, Kapampangan, La Union, MCC, Mindoro, LGBA North, LGBA South, Quezon, Rizal, Tarlac VY, UMCGBA at UAD. (Enjel Manato)