Abante Tonite Interactive

Antonio, iba pa sa Digmaan finals

213

Lampas sa 40 quali­fiers mula sa Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) ang pasok sa final round ng PFGB Digmaan 11-Stag National Derby sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Disyembre 13.

Ayon kay LGBA President Nick Crisostomo nitong Lunes, ang mga qualifier sa 4–stag finals hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ay ang mga umiskor ng 4, 4.5, 5, 5.5 at 6 points.

Lalaban naman sa Dis. 16 sa Manila Arena ang mga makaka-6.5 at 7 pts.
Ilan sa mga kasali sa Biyernes, na kumuha ng Digmaan piggy bank scheme sa Luzon Breeders­ Cup ay sina sabong idol Patrick Antonio, James Uy, Nestor Vendivil, Eric Calivoso at Jun Lovendino.

Pasok din sina Francis Guevarra, Boy Tanyag, Hector Magpantay, Mapher Alvarez, Ramir Navas, Kenneth Liao, Rep. Pol Dy, Jervy Mag­lunob, Noel Cosico at Arnold dela Cruz.

Sa Lunes, Dis. 16 din sa Pasay Cockpit ang LGBA Staff 4-Stag Derby na may mababang P11,000 entry fee.

Makababatid ng iba pang mga detalye kina Erica sa 0945 4917 474, at Ace sa 0939 4724 206, 8843 1746 at 8816 6750. (Enjel Manato)