Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Antonio, Laylo purnada laban

0 42

Naudlot ang pagtulak ng piyesa nina Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio at Darwin Laylo dahil kinansela ang over the board Inter-Cities and Municipalities Chess Team Championship na ilalarga sana sa darating na Enero 22.

Dahilan ng pagkansela ng mga organizer ang muling pag-atake ng mapaminsalang COVID-19.

“Hindi na muna matutuloy ang Inter-Cities and Municipalities Chess Team Championship dahil sa pagtaas ng mga impeksiyon ng variant ng Omicron na naging dahilan para itaas sa Alert Level 3 ang iba’t ibang panig sa bansa,” sabi ni Zulfikar Sali, organizer ng nasabing event.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maging ang “Hon. Sen. Manny D. Pacquiao Chess Tournament” na naka-iskedyul sana kahapon, Enero 15, sa Candelaria, Quezon at sa Paniqui, Tarlac ngayong araw ng Linggo ay hindi na rin matutuloy.

Maliban kina 13-time Philippine Open champion Antonio at Laylo, ang ibang woodpushers na tutulak din sana ng piyesa ay sina International Master Jan Emmanuel Garcia, Paulo Bersamina, Petronio Roca, Ronald Dableo at Angelo Young. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.