Abante Tonite Interactive

Antukin, salaulang pulis-Caloocan sisibakin

327

Binalaan kahapon ng bagong Caloocan City Police chief na si Col. Noel Flores na sisibakin sa puwesto ang sinumang pulis na mahuhuling natutulog at hindi marunong maglinis ng kanilang police station.

Ito ang binigyan diin ni Flores matapos na may nakarating na sumbong na may mga pulis umano sa mga Police Community Precinct (PCP) ang natutulog lang sa istasyon lalo na kung gabi.

May mga PCP commander din umano na hindi marunong maglinis ng kanilang presinto na animo’y palengke ang hitsura ng mga sub-station.

Abante Hiring – IT dep

“Sibak kaagad ang sinumang mahuhuli na natutulog. Pati yung mga pulis na hindi marunong maglinis ng presinto alisin na,” sabi ni Flores.

Hindi rin magsasagawa ang bagong talagang chief of police ng Caloocan ng revamp sa kanyang mga opisyal bagkus dedepende siya sa ipapakitang performance ng mga ito.

“Kailangan nating maging fair sa mga police officials natin, kapag OK ang performance stay sa puwesto, pero kapag tatamad-tamad dapat ng palitan,” dagdag pa ni Flores.

Pinalitan ni Flores ang dating hepe ng Caloocan City Police na si Col. Restituto Arcanghel may ilang araw na ang nakalilipas. (Orlan Linde)