Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anunsiyo ng OCTA pabigat – DOH

0 51

Nagiging dagdag-trabaho umano sa Department of Health (DOH) ang ginagawang pag-aanunsiyo ng grupong OCTA Research sa resulta ng kanilang pag-aaral sa mga datos kaugnay ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Sinabi ito ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pagdinig kahapon ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng kuwalipikasyon at metodolohiya na ginagamit ng OCTA sa kanilang mga prediksyon.

Tugon ni Vergeire kay Rep. Michael Aglipay, chair ng komite, nakapagbibigay ng kalituhan sa publiko ang mga inilalabas na prediksiyon ng OCTA kaugnay sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

“Yes, chair. actually, it has added to our tasks, kailangan naming ipaliwanag rin ang mga nilalabas nila. We’re also battling infodemic. It adds on the burden sa trabaho ng government kapag may nagpi-preempt.”

Inihalimbawa ni Vergeire ang anunsiyo ng OCTA na magkakaroon ng coronavirus surge. Sa panahong ito ay nasa 50% pa lamang umano ang ICU at health care utilization ng bansa. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.