Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anya isasabong kay AJ

0 575

NI: ROLDAN CASTRO
Bukod kay AJ Raval, promising din ang isa pang alaga ni Jojo Veloso na si Anya Aragon.

Kung bini-build up ngayon si AJ bilang sexy actress ng Viva keri na isabong si Anya.

Mukhang mauulit ulit ang patalbugan noon nina Ana Capri, Via Veloso at Aya Medel sa kuwadra ni Tito Jo. Ito’y sa katauhan nina AJ, Anya at Aica Veloso na ilo-lauch din ng Viva.

Mukhang magkaka-career si Anya sa bagong tayong production. Gagawin niya ang ‘Taong Grasa” ni direk Neal Tan.

Post ni Tito Jojo kay Anya: “Taong 2015 nu’ng mag-decide akong bumalik ng Manilà para makipagsapalarang muli sa magulong mundo ng showbiz .

“At sabi ni Boss Vic maghanap ako ng puwedeng i-launch as major star, tamang tama may pinakilala ang staff kong si Bert Sj na teenager na sobrang ganda at super ganda ng hubog ng katawan.. At presto! sya ang kasagutan ng sinabi ni Boss Vic sa akin .. mula sa Anja Mejillano ay ginawa kong ANYA ARAGON para may tunog star at ora-orada pinalipat ko na sa condo ko ang aking bagong star to be… habang hinihintay ang launching movie nya at dahil sa inip.. nagbago ang isip ng bagets ..

“Alam n’yo naman si Mudrakels ayaw nya nung maraming nakikialam sa career ng mga alaga nya at hate na hate nya yung word na bf or gf … kaya ganun..

“Fast forward 2021, sa meeting namin nina DirekTony Reyes, Ajhay Soller at Direk Neal Buboy Tan ay biglang nagtanong kung meron akong pwedeng i-present na mga star materials (male & female) na isa-sign up as exclusive contract Artists ng bago naming production company ang Joyful Robot Productions at walang kaabog abog ay hinakot ni Mudrakels ang kanyang mga nakatagong naggagandahang at naggagwapuhang mannequins.Masayang binalita sa akin ni Direk Tony na halos lahat ng pumunta sa audition ay pasok sa banga at isa nga doon ang Femme Fatale na si Anya Aragon na pagtutuunan ng pansin ng Joyful Robot Productions …”

So, abangan na lang natin ang banggaan ng Triple A ni Mudra na sina AJ, Aica at Anya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.