Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anyare sa flu vaccine ng mga senior?

0 154

Madalas nang pag-usapan ang paglaganap ng iba’t ibang uri ng sakit ngayong tag-ulan.

Sa katunayan sa media forum ng Department of Health (DOH) nakaraang Linggo ay nananawagan si Health Usec. Rosario Vergeire sa publiko, lalung-lalo na sa seniors, na agarang magpabakuna laban sa flu o trangkaso.

“Pinaaalalahanan ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko na maging alerto sa WILD diseases o yung tinatawag nating Waterborne Infectious diseases gaya ng Influenza o trangkaso, Leptospirosis at Dengue (WILD) na kalimitang nakukuha ngayong tag-ulan,” anang DOH Usec.

Pinaiiwas din ang publiko na maglakad sa baha at tiyaking napa-practice ang 4s dengue strategy, palaging maghugas ng kamay, malinis ang tubig na iniinom, maghanda ng go-bag, at kung posible, magpabakuna na laban sa trangkaso.
Sa totoo lang napakahirap magkasakit lalo na ngayong tayo ay may pandemya.

Ang panawagang ito ng DOH ay suportado ni dating Eyebank Foundation of the Philippines President at Public Health Advocate and Good Governance Crusader Dr. Minguita Padilla.

Sa isang panayam, sinabi ni Padilla na tila nakakalimutan na ng publiko na may bakuna laban sa trangkaso dahil sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccines.

Related Posts

Tabako

Kaya pagbibigay-diin nito hindi dapat isantabi ang pagpapaturok ng bakuna laban sa trangkaso dahil maaari itong pagsimulan ng iba’t-ibang kumplikasyon lalung-lalo na sa mga senior . “Yung trangkaso kahit mina-mani natin sa mga bata at malalakas, kapag senior na, you’re more prone sa mga kumplikasyon. Pwede pa magkaroon ng tinatawag na co-infection–magsama yung COVID at trangkaso. You have to remember that kaya dapat hindi kinakalimutan proteksyunan ang sarili laban sa trangkaso”, ani Padilla.

Pinaalalahan din ni Padilla ang publiko na libre ang bakuna laban sa flu o trangkaso para sa senior citizens.
Sa ilalim ng Expanded Seniors Citizens Act of 2010, ang DOH, kasama ang LGUs ay nagbibigay ng libreng flu vaccines o bakuna laban sa trangkaso para sa mga senior citizens upang sila ay mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa mga sakit.

Ang libreng flu vaccines ay maaaring makuha ng mga seniors sa mga health o brgy center. Pero gaano katotoo ang nakarating sa aming impormasyon na wala daw available flu vaccines para sa seniors sa mga health centers.

Nasaan ang flu vaccines para sa ating seniors? Bakit hindi pa ito inilalabas ng DOH? Sana ay mabigyan ito ng kaukulang pansin ng DOH para hindi tayo matulad sa ibang bansa na nakakaranas ng mataas na kaso ng trangkaso.

Sana ilabas na ito ng DOH dahil patuloy tumataas ang mga bagong kaso ng COVID-19 at gaya nga ng sinabi ni Dr. Padilla, dapat maiwasan natin ang pagkakaroon ng co-infection between COVID-19 at trangkaso. Mahihirapan ang ating healthcare system kung sakaling mangyari ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.