Abante Tonite Interactive

Apat kontra sa mayorya

0 75

Hindi pa man umaarangkada ang 18th Congress, mukhang magiging mainitan ang debate sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Ngayon pa lang nagdeklara na si Senate Minority Leader Franklin Drilon na haharangin ng minorya ang tangkang ibalik ang death penalty.

Bukod kay Drilon, ang minority senators ay sina Francis Pangilinan, Risa Hontiveros at Leila de Lima.

Apat na version na ng death penalty bills ang naisumite sa Senado para matalakay sa 18th Congress.

Sesentro sa mga drug trafficker ang mga panukalang death penalty nina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher “Bong” Go. Magkaiba lang ang mode of execution – firing squad kay dela Rosa, sa pamamagitan naman ng lethal injection ang bill ni Go.

Bukod sa drug traffickers, gustong isama ni Go ang kasong plunder, habang wala pang paraan ng execution ang bill ni Paquiao.

Mas malawak ang sakop ng death penalty bill ni Senator Panfilo Lacson dahil bukod sa plunder, drug-related activities at terrorism, papatawan din ng parusang kamatayan ang mga hinatulan sa kasong treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping and illegal detention, robbery with violence and intimidation of persons, destructive arson, human trafficking, among others.

Kung hindi magbabago ang bilang, labing-tatlong senador na umano ang susuporta para maipasa ang death penalty bill sa 18th Congress.

Kulang man sila sa bilang, sinabi ni Drilon, magiging panlaban nila ang suporta ng nakararaming Pilipino na tutol umano sa reimposition ng death penalty.

Binanggit ni Drilon ang resulta ng survey ng Social Weather Stations kung saan 7 out of 10 Filipinos ang kontra sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Related Posts

Pinaninidigan ng minority senators na hindi sagot sa paglutas sa mga karumal-dumal na krimen ang death penalty at sa halip, ang mga mahihirap ang tiyak na unang masasampolan dahil sa kawalan ng kakayahan na makakuha ng magagaling na abogado.

This week, tuloy-tuloy pa rin ang paghahain ng pet bills ng mga senador.
Mas makabubuti siguro bago umusad ang debate sa death penalty bill, isulong muna ang paglikha ng mga special court na sesentro sa paglilitis sa mga heinous crime.

May parusang kamatayan nga, kung mabagal naman ang usad ng hustisya sa bansa, balewala din ang layunin nito.

***
“All rise”!

Dito nakilala si Se-nate sgt-at-arms Retired Major General Jose Balajadia.
Ang tinig ni Balajadia ang maririnig sa tuwing pagsisimula noon ng impeachment trial laban kay yumaong dating Chief Justice Renato Corona.

Si Balajadia din ang nanguna sa pag-escort nang arestuhin noong 2017 si Senator Leila de Lima at noong 2018 naman kay Senator Antonio Trillanes IV.
Namatay sa heart failure si Balajadia habang naka-confine sa Baguio General Hospital.

June 30 nang magretiro sa Senado.

Naglabas na ng statement ang ibat-ibang mga Senador sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto bilang pagkilala sa hindi matatawarang serbisyo nito at pinakamatagal na nagsilbing Senate-sgt-at-arms simula pa noong 2002.

Mabait sa Senate media si Balajadia. Madaling lapitan. Hindi madamot sa radio interview.

Naiintindihan niya ang trabaho ng mga Senate reporter kaya pinagbibigyan kami sa media coverage, dahil sa kakulitan na rin, kahit una niya nang idineklara na not for media coverage.