Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Apektado ng lockdown walang ayuda, tsibog lang

0 60

Pagkain lang at walang ibibigay na perang ayuda sa mga maapektuhan ng granular lockdown sa Metro Manila.

Ito ang nilinaw ng Malacañang at Metro Manila Development Aurhority (MMDA) kasunod ng pilot implementation ng granular lockdown sa Huwebes, Setyembre 16, 2021.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na napagkasunduan ng mga Metro Manila mayor at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na food packs ang ibibigay sa mga maapektuhan ng granular lockdown.

“Sang-ayon po sa shared responsibility na napagkasunduan ng mga mayor at DSWD, food po. Food supplies ang ipapamigay sa mga areas na subject to granular lockdown,” ani Roque.

Sinang-ayunan naman ito ni MMDA Chairman Benhur Abalos na nagsabing sa unang linggo ng lockdown ang LGU ang sasagot sa food packs at sa ikalawang linggo ay ang DSWD na ang mamimigay ng pagkain.

Sinabi ni Abalos na sa kasalukuyan ay tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong libong pamilya ang naka-lockdown sa Metro Manila dahil sa mataas na kaso ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.