Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Apela kay Duterte sibakin PhilHealth kawatan – Sotto

0 385

Siguradong maraming matutuwa kung may sisibakin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng alegasyon ng malawakang korapsiyon sa ahensiya, ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

“I expect him to relieve some people. Lahat ng mayroong ‘whiff of corruption’ na nabanggit. Whiff lang ah, hindi smoke,” pahayag ni Sotto sa virtual interview ng mga mamamahayag.

“Maraming magpapalakpakan na mga tao, mga kababayan natin `pag biglang ginawa ni Presidente `yan,” aniya pa.

Subalit kung may sisibakin man aniya si Duterte, hindi lang dapat ang puno kundi kasama na rin ang mga sanga nito.

“Kung magre-revamp siya rito ngayon, huwag katulad noong nakaraang revamp, tinanggal lang ‘yung puno, ‘yung nasa taas pero naiiwan ang mga galamay na nagpipiyesta,” ayon kay Sotto.

Nauna rito, sinabi ni Sotto na walang privacy kapag ang isang indibidwal ay humahawak ng mataas na posisyon sa gobyerno.

Ito ang tugon ng senador sa pahayag ni PhilHealth president at chief executive officer Ricardo Morales na hindi nirespeto ang kanyang privacy nang ibunyag ng Senado ang kanyang medical condition.

Kung hindi aniya makayanan ni Morales ang init ay mabuti pang magbitiw na ito sa tungkulin.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.