Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Apela ng Lipa City mayor binasura ng Comelec

0 227

IBINASURA ng Commission on Elections ang motion for reconsideration ni Lipa City Mayor Eric Africa hinggil sa poll protest laban sa kanya.

Sa desisyon ng 2nd Division ng Comelec noong Oktubre 14, 2021, ibinasura ang mosyon ni Africa dahil inulit lamang nito ang argumento na napagdesisyonan na ng poll body.

Si Africa ay nahaharap sa electoral protest na isinumite ni dating Lipa City mayoral bet Bernadette Sabili noong 2019 local polls.

Si Sabili ay misis ni dating Lipa City mayor at dating Undersecretary of the Department of Human Settlements and Urban Development Meynard Sabili.

SM food to go Banner Ad

Pinaboran din ng Comelec ang motion to withdraw ni Sabili kaugnay sa 80% ng kuwestiyonableng poll precinct.

Ayon kay Sabili, ang resulta ng imbestigasyon ng Comelec sa technical examinations sa 20 percent ng sinuring presinto ay sapat nang ebidensiya para matiyak na siya ay nanalo.

Kamakailan ay inihayag ng Comelec ang umano’y anomalya at iregularidad sa mahigit 15,000 voters para sa Lipa City mayoral race noong 2019.

Sa imbestigasyon ng Comelec, 50% ng mga boto na isinailalim sa technical examination ay lumabas na maanomalya dahil sa mga hindi nagtugmang lagda ng mga bumoto.

Kumpiyansa rin si Sabilina na ang Comelec findings ay sapat na para ideklara siya na tunay na panalo sa 2019 election bilang alkalde ng Lipa City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.