Abante Tonite Interactive

Apela ng LP kinatigan ng Comelec

4

Pinalawig ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng Statement of Contributions and Expen­ses (SOCE) ng mga kumandidato sa nakaraang eleksyon.

Ito ay matapos ang botohan na isinagawa ng Comelec en banc hinggil sa apela ng Liberal Party (LP) at ilang partido pulitikal na palawigan pa ang Hunyo 8 deadline na itinakda para sa paghahain ng SOCE matapos ang Mayo 9 national at local elections.

Itinakdang muli ng Come­lec ang pagsusumite ng SOCE ng LP at iba pang partido at kandidato hanggang Hunyo 30 para magsumite ng kanilang mga dokumento.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang sa mga kumampi para sa pagpapalawig sina Commissioners Arthur Lim, Al Parreño, Sheriff Abas, at Rowena Guanzon.

Habang ang tumutol naman ay sina Comelec chairman Andres Bautista at Commissioners Luie Guia at Christian Robert Lim, na pinuno ng Come­lec campaign finance office na nagrekomenda na ibasura ang apela ng LP.

Sinasabing maliban sa LP ay bigo rin na magkapaghain ng SOCE sina LP standard bearer Mar Roxas, gayundin ang 15 senatorial candidates, 40 gubernatorial bets at 115 congressional candidates.

Gayundin, dalawa­ pang national parties ang hindi pa rin nakakapagsampa ng kanilang SOCEs ang Puwersa­ ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayo­r Joseph Estrada at Aksyon Demokratiko. (Noel Abuel)