Abante Tonite Interactive

Apelyido ng anak sinunod sa live-in partner

290

Dear Atty. Claire,

Nais ko sana humingi ng payo sa inyo.

Noong buntis pa lang ‘yung live-in partner ko ay nagkahiwalay na kami at nagkaroon na siya ng ibang kinakasama.

Tapos noong nanganak siya ay ginamit niya ‘yung apelyido ng bago niyang kinakasama sa bata. Then after few months naghiwalay din sila ng kinakasama niya at nag-usap kami na ili­pat sa apelyido ko ‘yung bata.

Hawak ko ngayon ‘yung original na live birth ng bata.

Pero ‘di nagtagal nagkaproblema na naman kami ng nanay. Makalipas ang dalawang taon nagkausap uli kami at at sinabi niya na ‘yung pangalan at apelyido na gamit ng bata ay doon sa dati niyang kinakasama.

Sabi ko eh hindi ba pinalitan na natin ‘yun at hawak ko ang live birth ng bata Sabi niya hindi ‘yung original ang sinunod niya.

Ngayon po paano ko malalaman kung totoong ‘yung original na pangalan at apelyido ng bata ang nakarehistro sa Phi­lippine Statistics Authority o ‘yung sa akin po.

Maraming salamat.
Clint

Mr. Clint,

Kung nakapangalan na ang bata sa apelyido ng lalaki na pinalabas ng ka-live-in mo na siyang tatay ng bata ay hindi na matatanggal o mababago ito maliban kung dadaan sa korte na siyang magdedesisyon kung dapat mapalitan ang apelyido ng bata.

Sa aking palagay ay ginawan ng paraan ng ka-live in mo sa pamamagitan ng late registration at binago niya ang details tungkol sa anak ninyo kaya nagkaroon ka ng bagong copy ng live birth certificate na gamit ng bata ang apelyido.

Ngayon ay maaari kang pumunta sa ang Philippine Statistics Office at humingi ka ng copy ng unang birth certificate ng anak mo at ang pangalawang birth certificate para malaman mo kung parehong existin­g sa records ng PSA dahil kung parehong nasa records ay lumalabas na may dalawang birth certificate ang anak mo. ‘Pag nagkaganon ay dapat mapa-cancel mo sa korte ang isa. Kadalasan ay ang pangalawang birth certificate ang napapawalang saysay at ang unang birth certificate ay dapat lamang na maayos o ma-correct ayon sa tunay na facts o details tulad ng tunay na pangalan ng tatay, ngunit ito ay sa korte dedesisyunan.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8410-7624/8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.