Abante Tonite Interactive

Apinan, Makati binuwal ang Bicol

147

Nagsilbing power big-man si center -forward Jeckster Apinan nang buhatin ang Makati Super Crunch na iguupo ang Bicol Volcanoes, 83-75, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 Huwebes ng hapon sa Caloocan City Sports Center.

Kumambiyo ng 20 points, 10 rebounds 3 assists at 2 steals si Apinan upang dalhin ang Makati sa kanilang ikalawang sunod na panalo at sementuhan ang kapit sa tersera sa Group A North Division sa 6-1 win-loss record.

Kahit na nalamangan ng 7-points tapos ng unang yugto, pinako ng Makati sa 28 points ang Bicol sa huling dalawang minuto ng 2nd quarter para sa 36-28. ‘Di na muli nakakuha ng kalamangan ang Bicol nang na naiwanan ng 11 points para masadlak sa 5-5 at 7th spot sa Group B South Division..

Mga naging bala rin ng Makati sina Rudy Lingganay na may 11 markers t nakatig-10 na sina Joshua Torralba at Joseph Sedurifa.

May 14 pts at 8 boards si Chris Lalata para sa Bicol.

Ang iskor:
Makati Super Crunch 83 – Apinan 20, Lingganay 11, Torralba 10, Sedurifa 10, Ablaza 8, Manlangit 7, Cruz 7, Atkins 4, Baloria 3, Importante 3, Cayanan 0, Lloren 0, Lascamana 0, Sta. Maria 0, Asoro 0.
Bicol Volcanoes 75 – Lalata 14, Alday 12, Buenafe 10, Garcia, Gusi 8, Mondragon 5, Nueva 4, Nuyles 4, Milagrosa 3, Alfonso 2, Sabayo 2, Aldave 2, Guerrero 0, Manalang 0, Rodriguez 0. (Aivan Denzel U. Episcope)