Abante Tonite Interactive

Apl.de.ap bilib sa pasabog nina Inigo,Elmo,KZ sa SEA Games

0 544

Sa true lang, impressed much ang diva that you love sa SEA Games 2019 Opening Ceremonies program na ipapalabas sa Sabado, sa Philippine Arena.

May kilabot in a good way ang pagtatanghal at higit sa lahat, mapapaluha ka at mapupuno ang iyong puso ng galak at talagang ikalulugod at ipagmamalaki mo na ikaw ay Filipino, na dakila ang ating lahi , may mayamang kulturang maipagmamalaki at mga performer na talaga namang world-class.

Ang mga kaabang-abang, ang scintillating dance performance na mula sa Ramon Obusan Folkloric Dance Company. 300 strong young dancers mula sa iba’t-ibang paaralan at ang Obusan core group ang nagpamalas ng mga cultural community dances mula sa mga taga-Cordillera, Mindanao at siyempre pa ang mga Spanish inspired na Jota de Manila.

Fabulous kung fabulous ang costumes at grabe, synchronized talaga ang kanilang movements. Pinuno nila ang entablado at they raised the bar so high. At ang mga sumusunod na mga pangyayari, wala kang tulak kabigin dahil talagang best of the best song at dance nummers talaga.

May kaniya-kaniya ring payanig sina Lani Misalucha, Christian Bautista, Aicelle Santos, Jed Madela, Elmo Magalona, KZ Tandingan, Inigo Pascual, TNT Boys, Anna Fegi, Robert Sena at siyempre pa, ang Pinoy international singing sensation na kasapi sa Black Eyed Peas, si Apl.de.ap

Naka-usap namin panandalian ang Pinoy Pride matapos ang dress rehearsal.Panimula ni Allan Pineda Lindo, (tunay na pangaan ni Apl): “Oh man, when they offered this gig, immediately I wanted to be part of it course, not only because it is a historical undertaking, it is like the Olympics of Southeast Asia. This is for our country and the magnitude of this event is something else, I wanted to be really part of it,” nakangiti niyang sagot sa aming tanong.

Isa sa mga most applauded portion ang pagkanta niya sa “Bebot.” Kwento ni Apl: “I was going through many songs, at first from the most obvious, the Black Eyed Peas songs. I also wanted to do something new. However, I realized I want to do my most iconic, you know. Bebot represents my birthplace, who I am, my kapwa Filipinos. Even if I sang it already a million times, it was the perfect song for this occasion.

Maraming natatanging pagkanta at pasabog sa show pero ang tila most impressed si Apl, ay sa ginawa nina Inigo Pascual, Elmo Magalona at KZ tandingan.

Pahayag niya: “I am proud that they are getting outside of the box and their comfort zones as performers, claiming their own individuality and showing how talented they were. What they did, I think it will be one of the most talked about and remembered numbers.”

Ang hinding-hindi niya raw makakalimutan sa karanasang ito, pagtatapos ni Apl.D.Ap: “What I won’t forget, the magnitude of it all, the presentation, the showcase of our rich cultural heritage and that we are one in showing to our SEA brothers that as far as talent is concerned, we have them in heaps. I am proud na Filipino ako.”

Jessy, Luis ikakasal na

Kung pagbabasehan ang isang larawan, ang magandang daliri ni Jessy Mendiola ay may suot na diamond ring, can we therefore conclude na sina Mendiola at si Luis Manzano eh sisimulan na ang kanilang happily ever after?

Ang BFF ni Manzano, si Billy Crawford, may post na ganito para sa dalagang marikit: “Sabihan mo na ang best friend ko ilagay na nya yung singsing sa ring finger mo” with matching laugh-out-poud emoticons.

Ang reak naman ni Luis sa post ni Crawford: “yes. (double heart emoticon) that’s the plan” at may emoticon na pag kindat pa.

Engaged na nga ba sila? Ang Star For All Seasons nanay ni Luis, si Ms. Vilma Santos, maligaya kaya sa kaganapang ito? Ang daddy-yo na si Edu Manzano, kinalulugod ba na ang panganay niya ay go for gold na ang new forever with the oh-so-lovely Mendiola?

At siyempre pa, ang question of national importance, who will Ms. Santos wear sa kasal? Yun na!

Kasal nina Vice-Ion kukulog, kikidlat

Excited ba tayo na engaged na rin sina Juancho Trivino at Joyce Pring? Hikab! Eh ano naman ang masasabi natin sa pagpapakasal nina Victor Basa at Stephanie Dan? Hikab pa more! Eh sa Vhong Navarro at sa Tanya Winona Bautista? Di pwedeng paghikaban. Yayamanin kasi. May budget. Sa Japan, Japan para sa kaunlaran ang kasalan.

Ano nga kayang kasalan ang magpapadilat sa mga ating ulirat? Ano pa nga blooming, eh di ang kasalang Vice Ganda at Ion Perez.

Juice colored! Pag kinasal kaya ang Queen Bayot at si Perez, kukulog, kikidlat at uulan sa tanghaling tapat? Charot! Hahahaha!